haaay kakapagod kahapon. Kasi naglinis kami sa Majayjay (or can I say naggala??? hehe). E2 mga nangyari...
Nag-alarm ako ng 5:00a.m. pero bumngon ako ng 5:30 hehe. Kaya sa loob ng 30 minutes ay kumain, naligo, nagbihis at nag-ayos ako.(kaya mo yun???) Pagdating ko sa paradahan ay puno na ang jip na papuntang Sta.Cruz kaya naghintay muna ko ng kasunod. Dun ako sa harap umupo para cool. hehe.
Pagdating sa Sta.Cruz ay nandun na sila R.C., James, Lance, Lybie, Carmel, at Alfie. After a few minutes ay dumating naman si Ivan at umalis sila James at Lance.(Ewan ko kung san pumunta yun). Tapos dumating na din si Pres.Ken at si Ryzee. Pinasundo niya sa min si Tweety. Pag dating kela Tweety eh ininterview agad ako ng lola niya. Sabi ko maglilinis kami sa Majayjay. Di ko naman alam na ganun kastrict lola ni Tweety eh.(Sorry tweety.)
Pagbalik sa meeting place (as usual sa Guevara) eh andun na si Lean. Hinintay na lang muna namin sila James at Lance bago kami pumunta sa paradahan ng jeep papuntang Majayjay. Pagdating dun eh puno na yung jip kaya naghintay pa kami ng kasunod na jip. Sa kasagsagan ng aming paghihintay eh dumating si Ana at ang kanyang kapatid. Pagdating nung jip eh siksikan kasi may mga kasabay kami na magsswimming sa Taytay Falls.(Andun yung kapatid ni Jaira Villarino at si Jericho. ung nagdrums nung Gen. Campaign ng Ligaya.) Yung mga lalaki nung papauntang Taytay Falls eh sa topload sumakay kasi di na kasya sa loob. Ang mahal pala ng bayad dun! 25.50! tumatawad kami pero ayaw kaming pagbigyan ni manong driver. Pag-andar nung jip eh nagtaka kaming lahat kung kakayanin ba nung bubong yung mag nasa taas.(para kasing babagsak eh) At ayun mabagal kaming bumyahe papuntang Majayjay.
First stop, kila Ashley. Sinundo muna namin si Ashlay then pumunta naman kami kela Alhena. pagkatapos pumunta na kami sa may gym para maglinis(kuno). Kulang yung cleaning materials namin kaya kinailangan pang manghiram sa mga kalapit na tindahan. Kunwari naglilinis kami habang pinpicturan. May pic pa nga ako na nagtatapon ng basura(kuno).Ahi4x. Tapos sa shed naman. Tapos sa gilid ng simbahan. At yun, natapos na rin ang aming paglilinis(kuno) hehe. Bumalik na kami kela Ashley para maglunch. Hinintay muna naming maluto yung pagkain kaya nagkwentuhan muna kami. Nilalaro namin ung aso, at si Tweety, nilalaro si Alhena. Hehe. Niloloko kasi ni Tweety si Alhena na mabaho kasi di pa naliligo(sori Alhena)
Lunch time. Chicken at shanghai for the main dish and soup for apetizer at may coke pa (Thanks Ashley, ang sarap nung chicken!) Pagkatapos kumain eh kwentuhan ulit. This time kausap ko si Lean at Ashley and I'm teaching them about Sex Terms. Ahi4x.
Uwian na. Sumakay na kami ng jip na pabalik ng Sta.Cruz. May isang di inaasahang pangyayari.
May isang babaeng sasakay ng jip. Nakaupo ako, si Lean, Tweety, Lybie, Ken, at Ivan sa may pagpasok nung jip. Lahat kami nagulat ng biglang nadapa yung babaeng pasakay at sumubsob kay Ivan. (NOTE: LAHAT LAMI AY NAKATABI ANG MGA PAA NUNG MGA ORAS NAYUN. HAWING-HAWI ANG DAAN) Pano kaya nadapa yung babae? Sinadya nya ba yun? Nagpapapampam lang ba siya kay Ivan??? Ewan namin.
Pagdating sa Sta.Cruz eh nagMcdo muna kami at nagkwentuhan ulit.
Sasakay na kami ng jip pauwi ng nakita namin si Suzy. Ininterview ko siya tungkol sa kung anong trabaho niya sa SPES ngunit ito lang ang kanyang sinabi:
"May kaugnayan sa halaman ang trabaho ko."
kakaintriga di ba???
**********
Gyec Officers na umatend:
Ako, Carmel, Alfie, R.C., Alhena, James, Lance, Lean, Tweety, Lybie, Ashley, Ivan, Ryzee, Ana at Ken.
(La si Ciamae kasi ala daw kasamang teacher)
May solicitation ang SSG sa May5-6 para sa dadating na Brigada Eskwela.
Grabe! Hook na hook na ko sa PBB Teen Edition. Sa awkas isang makabuluhang palabas para sa isang teen na tulad ko!(13 na ko, noh). Paranga sa lahat ng Editions ng Pbb dito lang ako naadik.
Gerald- Ang Amboy Hottie from Gensan.
(May kamukha siyang artista. Hindi ko sya gustong manalo kase he loves basketball[ i hate basketbal!!!]
Nina- Sosy Girl na Assumpsionista from Makati
(naaartehan ako sa kanya. Nung unang kita ko sa kanya crush ko siya pero habang tumatagal Pbb napepeste ako sa kanilang dalwa ni Bam)
Mikee- Pambato ng mga Atenista from Q.C.
(Favorite ko siya! Kasi bukod sa magkatukayo kami may mga nagsasabing hawig kami. Tsaka I love Ateneo)
Kim- Chinese Cutie from Cebu
(Ang cute, cute niya. Kamukha siya ni Inay Carla at ni Carleen, ung SSG President ng QNHS, kakakilig silang dalawa ni Mikee. Bet ko rin Siya.)
Bam- Ang Boyish na KOmedyante ng Paranaque
(Naaasar ako sa kanya. Di siya nakakatuwa nakakapeste, mukha siyang mabaho kahit kapatid niya si Dimples Romana.)
Olyn- Teenstar Wannabe ng Quezon City
(Ang chubby nya. Napakapakiilamera. Mukha siyang laspag)
Fred- Perfectionist Hunk ng Paranaque
(Di ko rin siya feel. Feeling ko pampam siya. Nakakatuwa siyang kumain naka-straight body. Ahi4x)
Clare- Barrio Lass mula sa Bukidnon
(Masyado siyang T.H. May hawig xa ke Cass Ponti pero mas Maganda siya. Kakaturn Off siya pag nagsasalita.)
Aldred- Kilabot na Valedictorian ng Pasay
(Isa siyang tanga. Porket di lang siya makasabay sa life line ng hausmates niya mag-eexit na siya??? Sayang matalino pa nman siya.)
Mikki- Ang Orig na Astig from Davao
(Pinakawalang hitsura sa mga hausmates. Masyadong matapang kaya nagkaaway agad sila ni Olyn.)
Matt- Happy-Go-Lucky ng Quezon City
(Mukhang mabaho kasi Apro. Pampam. TH sa pagpapatawa pero ndi naman nakakatawa.)
Jamilla- Teenage Mom ng Laguna
(I adore her kasi kahit may anak na siya ang ganda pa rin niya. Pati di niya kinakahiyang may anak siya)
Lahat ng mga sinabi ko about the hausmates ay sariling opinion ko lang.